^

Probinsiya

Totoy pinatay ng baliw

-
CATAINGAN, Masbate – Idineklarang patay sa Cataingan District Hospital ang isang tatlong taong gulang na batang lalaki makaraang paluin ng bato sa ulo ng isang lalaki na pinaniniwalaang may kapansanan sa pag-iisip habang ang biktima ay naglalaro sa kanilang bakuran sa Barangay Curvada sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marvin Bactol, samantala, ang suspek na ngayon ay nakapiit ay nakilala namang si Edito Sinajonon, 22, binata at residente ng naturang lugar.

Nabatid sa ulat ng pulisya, ang suspek ay pinababayaan ng kanyang mga magulang na magpagala-gala sa nabanggit na barangay at karatig pook kahit na alam na may kapansanan sa pag-iisip.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, lumalabas na naganap ang krimen dakong alas-4:30 ng hapon matapos mamataan ng suspek na ang biktima ay naglalarong mag-isa.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napagtripang paluin ng tipak na bato sa ulo ang biktima na ikinasawi nito at sa aktong dadakpin ng mga opisyal ng barangay ay nakatawa pa umano ang suspek na animo’y walang nangyari. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY CURVADA

CATAINGAN DISTRICT HOSPITAL

ED CASULLA

EDITO SINAJONON

IDINEKLARANG

KINILALA

MARVIN BACTOL

MASBATE

NABATID

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with