^

Probinsiya

Pulis tinodas ng NPA sa eskwelahan

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang miyembro ng pulisya ang kumpirmadong napatay makaraang tambangan ng dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa harap ng Subic Elementary School sa Subic, Zambales kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Senior Police Officer-2 (SPO2) Aquilino Manuel, 45, na nakatalaga sa Subic Police Station bilang warrant officer.

Sa isinumiteng inisyal na ulat kay P/Chief Insp. Jerry Sumbad, hepe ng Subic PNP, naganap ang krimen bandang alas-8:30 ng gabi matapos magsumite ng thesis sa kursong Social Science si Manuel sa Ramon Magsaysay Technological University (RMTU).

Ang nabanggit na eskuwelahan ay tie-up ng Subic Elementary School na kinaganapan ng krimen.

Ayon pa sa ulat, makaraang lumabas ng nabanggit na eskuwelahan ay patungo na sana ang biktima sa pinapasukang himpilan ng pulisya nang lapitan ng dalawang rebelde saka sunod-sunod na pinaputukan ng malapitan.

Bago pa tumakas sa hindi nabatid na direksyon ang mga killer ay kinuha pa nila ang baril ng biktima. (Jeff Tombado/Erickson Lovino)

AQUILINO MANUEL

CHIEF INSP

ERICKSON LOVINO

JEFF TOMBADO

JERRY SUMBAD

NEW PEOPLE

RAMON MAGSAYSAY TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

SENIOR POLICE OFFICER

SOCIAL SCIENCE

SUBIC ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with