Jeepney vs kotse: 3 patay, 1 grabe
February 19, 2002 | 12:00am
HERMOSA, Bataan Tatlo katao ang iniulat na kumpirmadong nasawi, samantala, isa naman ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang sasakyan sa kahabaan ng Roman Superhighway sa Brgy. Culis, Hermosa ng bayang ito kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang namatay na sina Wilfredo Mirasol ng Brgy. Bahay Puso, Balanga City; Florencio Reyes at Myrna Reyes, samantala, nasa kritikal na kondisyon sa Jose Payumo Memorial Hospital si Atanasio Reyes ng Brgy. Gugo, Samal, Bataan.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-5:35 ng hapon nang sumalpok ang pampasaherong jeepney (NVX-845) sa kasalubong na Nissan Sentra (TCR-852) sa kahabaan ng national highway na sakop ng Brgy. Culis ng nabanggit na lugar. (Ulat ni Jonie Capalaran)
CANDELARIA , Quezon Upang hindi makapagbigay ng testimonya sa korte sa kasong murder ang isang testigong obrero ay pinatahimik na lamang ito sa pamamagitan ng pagbistay ng bala ng baril sa katawan habang nagmamaneho ng tricycle sa Sitio Tibanglan, Brgy. Malabanban Norte sa bayang ito kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Ernesto Malelon, samantala, nasugatan naman ang sakay na hipag na si Corazon Malelon, 37, na kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Nelson Lequin, hepe ng pulisya sa bayang ito na tinambangan ang biktima dakong alas-7:30 ng umaga habang nagmamaneho ng trike dahil sa nakilala niya ang killer ni SPO1 Manuel Allarey may dalawang buwan na ang nakalilipas. (Ulat ni Tony Sandoval)
DASMARIÑAS, Cavite Isang 43-anyos na lalaki ang niratrat hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang lalaki habang naglalakad papauwi sa kahabaan ng Cityhomes Subdivision sa Brgy. Sampalok 4 ng bayang ito.
Sabog ang ulo at nakahandusay sa kalsada ang biktimang si Gilberto Amor, may asawa at residente ng Block 144 Lot 29 ng naturang lugar.
Sa ulat ni PO3 Jo Patambang na isinumite kay P/Chief Insp. John Bulalacao, malalakas na putok ng baril ang narinig ng mga residente bandang alas-8:30 ng gabi at nakita na lamang nila na nakabulagta na ang duguang biktima na pinalalagay ng pulisya na malaking atraso ang motibo ng krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
MALASIQUI, Pangasinan Umaabot sa halagang P9 milyon ang naholdap sa isang bank employee ng apat na hindi kilalang armadong kalalakihan makaraang harangin sakay ng Tamaraw FX sa kahabaan ng Brgy. Bogtong ng bayang ito kamakalawa.
Ang biktima na isang employee ng Export Bank sa Dagupan City ay nakilalang si Lena Nuesca, samantala, ang driver ng kotse na hindi nakuha pang makapalag dahil sa tinutukan din ng baril ay nakilalang si Rolando dela Cruz.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, kinolekta ng mga biktima ang malaking halaga sa Rural Bank ng Central Pangasinan sa San Carlos City saka ilalagay sa pinapasukang bangko ngunit habang bumabagtas sa kahabaan ng naturang lugar ay hinarang ng mga holdaper. (Ulat ni Erickson Lovino)
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang namatay na sina Wilfredo Mirasol ng Brgy. Bahay Puso, Balanga City; Florencio Reyes at Myrna Reyes, samantala, nasa kritikal na kondisyon sa Jose Payumo Memorial Hospital si Atanasio Reyes ng Brgy. Gugo, Samal, Bataan.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-5:35 ng hapon nang sumalpok ang pampasaherong jeepney (NVX-845) sa kasalubong na Nissan Sentra (TCR-852) sa kahabaan ng national highway na sakop ng Brgy. Culis ng nabanggit na lugar. (Ulat ni Jonie Capalaran)
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Ernesto Malelon, samantala, nasugatan naman ang sakay na hipag na si Corazon Malelon, 37, na kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Nelson Lequin, hepe ng pulisya sa bayang ito na tinambangan ang biktima dakong alas-7:30 ng umaga habang nagmamaneho ng trike dahil sa nakilala niya ang killer ni SPO1 Manuel Allarey may dalawang buwan na ang nakalilipas. (Ulat ni Tony Sandoval)
Sabog ang ulo at nakahandusay sa kalsada ang biktimang si Gilberto Amor, may asawa at residente ng Block 144 Lot 29 ng naturang lugar.
Sa ulat ni PO3 Jo Patambang na isinumite kay P/Chief Insp. John Bulalacao, malalakas na putok ng baril ang narinig ng mga residente bandang alas-8:30 ng gabi at nakita na lamang nila na nakabulagta na ang duguang biktima na pinalalagay ng pulisya na malaking atraso ang motibo ng krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Ang biktima na isang employee ng Export Bank sa Dagupan City ay nakilalang si Lena Nuesca, samantala, ang driver ng kotse na hindi nakuha pang makapalag dahil sa tinutukan din ng baril ay nakilalang si Rolando dela Cruz.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, kinolekta ng mga biktima ang malaking halaga sa Rural Bank ng Central Pangasinan sa San Carlos City saka ilalagay sa pinapasukang bangko ngunit habang bumabagtas sa kahabaan ng naturang lugar ay hinarang ng mga holdaper. (Ulat ni Erickson Lovino)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 12 hours ago
By Cristina Timbang | 12 hours ago
By Tony Sandoval | 12 hours ago
Recommended