^

Probinsiya

Presinto nilusob ng NPA: 3 pulis patay

-
PIO DURAN, Albay – Tatlong kagawad ng pulisya ang kumpirmadong nasawi makaraang lusubin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang binabantayang presinto sa Pier site sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawing pulis na pawang mga miyembro ng Pio Duran PNP Municipal Station ay nakilalang sina SPO4 Macario Odeña, Jr., SPO4 Alfredo Lopez at SPO1 Sancho Sueco, samantala, malubhang nasugatan si PO2 Emmanuel Macandog.

Ang naturang kababayan PNP center na binabantayan ng mga biktima ay may isang kilometro lamang ang layo mula sa PNP headquarter.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang pagsalakay ng mga rebelde bandang alas-10 ng gabi habang nakaupo sa labas ng kanilang presinto sina Odeña at Sueco, samantala, sina Lopez at Macandog naman ay nasa loob.

Lumalabas sa nakalap na impormasyon ng PSN, bago pa salakayin ng mga rebelde ang naturang presinto ay nagmamanman na ang ilang NPA sa ikinikilos ng mga biktima sa paligid nito.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, hindi na nakuhang makaganti ng mga biktima dahil sa sunud-sunod na putok ang umalingawgaw saka nagsitakas ang mga rebelde makaraan ang isinagawang paglusob. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

ALFREDO LOPEZ

ED CASULLA

EMMANUEL MACANDOG

MACARIO ODE

MUNICIPAL STATION

NEW PEOPLE

PIO DURAN

SANCHO SUECO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with