Estudyante napagtripang utasin ng 4 ‘adik ’

BACOOR, Cavite – Napagtripang gulpihin, saksakin at napatay ang isang high school student ng apat na miyembro ng fraternity na pinaniniwalaang mga lango sa droga habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa kahabaan ng Barangay Talaba ng bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Idineklarang patay sa St. Dominic Hospital ang biktimang si Roderick Ryan San Juan, 14, samantala, dalawa sa apat na suspek na pawang kasapi ng Crime Buster Fraternity na ngayon ay nakapiit sa Bacoor detention cell ay itinago sa mga pangalang Mading at Rene dahil sa kapwa menor-de-edad.

Batay sa inisyal na ulat na isinumite kay P/Sr. Insp, Alberto Capua, hepe ng pulisya, papauwi na ang biktima mula sa dinaluhang party dakong alas dos ng madaling-araw nang harangin ng mga suspek at isigawa ang krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments