10-anyos na nene inutas sa gulpi ng 4 kaklase
February 16, 2002 | 12:00am
Isang 10-anyos na batang babae ang iniulat na pinagtripang gulpihin ng kanyang apat na kaklaseng lalaki bago namatay sa ospital habang ginagamot ang biktima sa San Mateo, Rizal.
Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya si Lourdes Estrelles, ina ng biktimang si Marlyn, isang grade 3 pupil sa Silangan Elementary School at residente ang Sitio Labanan, Brgy. Silangan sa nabanggit na lugar.
Itinago naman ng pulisya ang mga pangalan ng suspek na kaklase ng biktima dahil sa pawang mga menor-de-edad.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang pangyayari noong nakaraang Pebrero 5, 2002 makaraang magkapikunan ang mga suspek sa kapwa nila kaklase dahil lamang sa isang sulat saka nadamay ang biktima.
Ayon pa sa ulat ng San Mateo PNP, naibaling ng mga suspek ang matinding galit sa biktima kaya napagtripan na lamang nilang gulpihin dahil sa pinalalagay na hindi magrereklamo sa mga kinauukulan.
Bugbog-sarado at sugatang umuwi ang biktima ngunit hindi naman pinansin ng kanyang ina dahil abala sa paglalaba.
Bigla na lamang nawalan ng malay ang biktima sa loob ng kanilang bahay kaya naman nagulat ang ina saka mabilis na isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina City.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na hindi naman iniulat kaagad sa police blotter ang pangyayari dahil sa apat na araw pa ang nakalipas ay binawian na ng buhay ang biktima.
Wala namang nagawa ang magulang ng biktima kundi ang huminggi ng tulong sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng San Mateo, Rizal upang mabigyan ng katarungan ang kanyang anak. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest