P57M marijuana plantation sinalakay
February 16, 2002 | 12:00am
KIBUNGAN, Benguet Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng tropa ng militar, PNP Intelligence Task Group ng Cordillera, Phil. Air Force Intelligence and Security Units at ng AFP Anti-Crime Task Force, ang anim na ektaryang plantasyon ng "cannabis saliva" na minamantine ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Brgy. Nacneng at Bekes sa bayang ito kahapon.
Sinabi ni Major Gen. Rodolfo Garcia, commanding general ng Northern Luzon Command (NOLCOM) ng AFP sa Tarlac, ito ang kauna-unahang pagkakadiskubre ng marijuana plantation sa taong kasalukuyan kasunod noong nakaraang taong pagkakadiskubre sa plantasyon ng marijuana sa Benguet, Kalinga, Ifugao at tri-boundary ng Benguet-La Union at Ilocos Sur na nagkakahalaga naman ng P80 milyon.
Ang isinagawang pagsalakay na suportado ng helicopter gunship ng Phil. Air Force ay resulta ng ilang buwang paniniktik at nakalap na impormasyon mula sa mga residente ng nabanggit na barangay.
Ayon pa kay Garcia, ang plantasyon ng marijuana ay minamantine ng isang Ka Aiko ng NPA rebels na may 20 armadong miyembro.
Napag-alaman pa sa ulat ng militar na ang nagtatanim ng mga buto ng marijuana ay mga residente rin ng naturang lugar sa ilalim ng supervision ng mga rebelde.
"Makaraang magapas at maipagbili ang mga pinatuyong dahon ng marijuana, ito ay ipinagbibili sa halagang P250.00 hanggang P300.00 bawat kilo saka ibinibigay ang pera sa NPA upang ipang suporta sa kilusan," ani Garcia.
Sinunog naman ang mga nabunot na puno ng marijuana at ang ilan ay dinala sa Baguio City bilang ebidensya. Walang nadakip na mga rebelde sa isinagawang pagsalakay sa kanilang plantasyon, dagdag pa ni Garcia. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest