^

Probinsiya

Kaso ng sisters rape/slay sa Antipolo City, inilipat na sa CIDG

-
ANTIPOLO CITY – Pangunahing dahilan ang kabagalan ng imbestigasyon at pagsasampa ng kaso sa mga nadakip na suspek sa brutal na rape-slay sa magkapatid na Bailon, tinanggal na sa Antipolo police ang imbestigasyon nito at inilipat sa Rizal Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ibinaba ni Supt. Arturo Tolentino, Rizal Provincial Director ang kautusan upang tanggalin kay Antipolo police chief, Supt. Jose Dayco ang imbestigasyon sa rape-slay ng magkapatid na Jasmin at Agnes Bailon noong Pebrero 1 na hahawakan na ni Supt. Normandy Carpio, hepe ng Rizal CIDG.

Nasa pangangalaga na rin ni Carpio ang mga nadakip na suspek na sina Jovy Guray at Roger Benavente na kapwa nadakip sa Polangui, Albay kamakailan matapos na silbihan ng warrant of arrest.

Inaasahan namang masasampahan na ng mga kasong robbery at rape with murder ang dalawang suspek at maaaresto ang iba pang sangkot sa krimen. Kasalukuyang hindi pa nakukuha ang mga resulta ng fingerprints ng mga ebidensyang nakuha sa kuwarto ng mga biktima at ang sampol ng 11 lalaking inimbitahan ng Antipolo police upang itugma ang mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

AGNES BAILON

ARTURO TOLENTINO

DANILO GARCIA

JOSE DAYCO

JOVY GURAY

NORMANDY CARPIO

RIZAL CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

RIZAL PROVINCIAL DIRECTOR

ROGER BENAVENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with