Trader niratrat sa harap ng opisina
February 14, 2002 | 12:00am
ANGELES CITY Binistay ng bala ng baril ang dalawa katao kabilang na ang isang mayamang negosyante ng dalawang hindi kilalang armadong lalaking sakay ng motorsiklo habang ang mga biktima ay nagsasarado ng kanilang opisina sa Brgy. Sto. Rosario ng nabanggit na lugar.
Kinilala ni P/Supt. Arturo G. Cacdac, Angeles PNP provincial director ang biktima na si Abnerico Tungol, 31, may-ari ng AC Prudential Trading ng Jasmin St., Brgy. Pulong Bulo, Angeles City at isang anak ng auditor na kasalukuyan pang bineberipika ang pangalan.
Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-8 ng gabi ng tumanggi ang mga biktima na ibigay ang dalang bag sa mga suspek habang nagsasarado ng kanilang opisina kaya napilitang paslangin ang dalawa. (Ulat ni Brian Onofre)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest