Trike driver tinodas sa pagteybol ng babae
February 10, 2002 | 12:00am
PULILAN, Bulacan Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang tricycle driver ng selosong obrero makaraang magselos sa ka-table na babae ng biktima sa loob ng videoke bar sa Brgy. Tabon ng bayang ito kamakalawa.
Ang biktima na hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ay nakilalang si Renato Pontecha, may asawa ng nabanggit na barangay, samantala, ang suspek na ngayon ay pinaghahanap ng pulisya ay kinilalang si Anastacio Manglangit, 30, may asawa, isang stay-in-worker sa piggery farm sa Brgy. Dampol 1 ng naturang lugar.
Nabatid sa inisyal na ulat na isinumite kay P/Chief Insp. Ramon Bitibit, Jr., hepe ng pulisya sa bayang ito, naganap ang krimen dakong alas-11 ng gabi makaraang magselos ang suspek sa ka-table na babae ng biktima sa loob ng Bojos videoke bar sa naturang lugar.
Ayon pa sa ulat, minasama ng suspek ang pagtanggi ng babae na tumabi sa kanyang mesa upang maka-table bagkus ay umupo sa mesa ng biktima. Inabangan ng suspek na lumabas ang biktima saka inundayan ng sunud-sunod na saksak ng patalim sa ibat ibang bahagi ng katawan na ikinasawi nito. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest