^

Probinsiya

'Pabahay para sa Magsasaka program' sinimulan na

-
Maari nang maka-avail ng housing loan ang mga magsasaka sa San Isidro, Nueva Ecija makaraang lakdaan ang memorandim of agreement sa pagitan ng Land Bank of the Phils., The Home Development Mutual Fund at ng lokal na pamahalaan ng naturang lalawigan.

Kabilang sa lumagda upang mapabilis ang programang "Pabahay para sa Magsasaka" ay sina LandBank president and CEO Gary Teves, HDMF president and CEO Manuel Crisostomo, Nueva Ecija Governor Tomas Joson III, San Isidro Mayor Sonia Lorenzo, DILG regional director Rodolfo Refaran, HUDCC secretary general Armando de Castro at LandBank EVP Gilda Pico.

Sa pamamagitan ng naturang programa ay maaaring naka-avail ng housing loan mula sa LandBank ang mga magsasaka ng halagang P180,000 ngunit may mga ilang kondisyon ang kinakailangang maisakatuparan.

Kasunod nito, inilunsad na rin ang programang Integrated Countryside Farming System para sa mga magsasaka at kabilang sa mga kalahok na ahensya ay ang National Irrigation Administration, the Phil. Crop Insurance Corp. at ang Department of Agrarian Reform.

Ang San Isidro LGU ang magbibigay ng technical assistance mula sa Municipal Agricultural at Agrarian Reform offices.

AGRARIAN REFORM

ANG SAN ISIDRO

CROP INSURANCE CORP

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

GARY TEVES

GILDA PICO

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

INTEGRATED COUNTRYSIDE FARMING SYSTEM

LAND BANK OF THE PHILS

MANUEL CRISOSTOMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with