P12-M marijuana sinunog
February 9, 2002 | 12:00am
SAN FERNANDO CITY Tinatayang aabot sa 80,000 puno ng marijuana na nagkakahalaga ng P12 milyon ang nadiskubre at sinunog ng mga miyembro ng La Union pulis sa Brgy. Bayabas, San Gabriel ng naturang lungsod.
Sa ulat na isinumite kay P/Chief Supt. Arturo Lomibao, PNP regional director na nadiskubre ang mga puno ng marijuana sa isang malawak na plantasyon sa bulubundukin ng Kugong habang nagsasagawa ng pagpapatrulya ang pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Sterling Blanco, hepe ng Intelligence and Investigation Unit at San Gabriel pulis.
Kaagad namang nagtulung-tulong na bunutin ang mga puno ng marijuana saka sinunog upang hindi na maipakalat pa sa mga karatig pook at walang iniulat na nadakip dahil bago pa dumating ang mga awtoridad ay nagsitakas na umano ang mga nag-aalaga ng naturang halaman. (Ulat ni Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest