3 magnanakaw ng cell cards nadakip
February 6, 2002 | 12:00am
BOTOLAN, Zambales Tatlong kalalakihan na pawang mga miyembro ng sindikato na nandurugas ng mga cell card at cellphone sa ibat ibang tindahan ang dinakip ng mga kagawad ng pulisya sa bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Joel Guillermo, 37, ng Brgy. Old Balara, Quezon City; ang mag-amang Reynaldo Mercado, Sr., 58 at Reynaldo Jr, 31, ng Sampaloc, Maynila.
Maaktuhan ang mga suspek bandang alas-4:35 ng hapon habang nambibiktima ng isang cellphone shop na ayaw ipabanggit ang pangalan.
Nakumpiska sa mga suspek ang hindi nabatid na bilang ng prepaid cell cards, cellphone charger, 40 pirasong used smart at globe cell cards at ang sasakyang Nissan Sentra (TRX-954) na ginagamit sa kanilang modus operandi. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest