Estudyante patay sa suntok ng kaklase

NABUA, Camarines Sur – Isang estudyanteng lalaki ang iniulat na nasawi matapos na makipagsuntukan sa kanyang kaklase sa loob ng silid-aralan ng Nabua National High School kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Figuracion Clinic ang biktimang si Edward Jay Acedo, 15, 3rd year high school at residente ng Brgy. Lourdes Old ng naturang lugar.

Nabatid sa ulat ng pulisya, naganap ang pakikipagsuntukan ng biktima kay Carlos Parra bandang ala-1:35 ng hapon at matapos ang pangyayari ay biglang natumba na lamang si Acedo saka humampas ang ulo sa sahig ng nabanggit na paaralan na naging dahilan upang isugod sa pagamutan subalit idineklarang patay na. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments