Pedicab sinalpok ng van

IMUS, Cavite – Sinalpok ng isang van ang pedicab na may sakay na pahasero habang papatawid sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Anabu 1 ng bayang ito kamakalawa ng hapon na ikinasawi naman ng driver at ikinasugat ng malubha ng isa.

Ang nasawing pedicab driver ay nakilalang si Ricardo Tumlod, 33, may asawa ng Good Family Homes Subd. sa naturang lugar, Samantala, ang pasaherong si Marlyn Sinampay, 18, dalaga ng Cuenca St., ng nabanggit din lugar ay ginagamot ngayon sa Imus Family Hospital.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang aksidente dakong alas-4:50 ng hapon at kaagad namang nadakip ang driver ng Isuzu van (WNT-502) na si Ernesto Salvidar ng Simeon de Jesus St., Balut, Tondo, Maynila. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments