^

Probinsiya

Opisyales ng Marcopper ipapatawag sa Senado

-
Ipapatawag ng senado ang matataas na opisyal ng Marinduque Copper Mining Corporation (Marcopper) dahil sa pagkabigo ng mga ito na "buhayin" ang pinatay nilang Boac River sa Marinduque.

Sinabi ni Sen. Robert Jaworski, chairman ng senate committee on environment and natural resources, partikular na ipapatawag ng kanyang komite ay ang mga big boss ng Canadian based na Placer Dome Inc., kumokontrol ng 40 porsyento ng Marcopper, na nangako na magsasagawa ng rehabilitasyon ng Boac River subalit nagsialis ng bansa nitong Disyembre.

Ipinangako ng Placer Dome na maglalaan sila ng inisyal na $13 milyon para sa paglilinis at rehabilitasyon ng Boac River matapos itong mamatay ng umagos ang mga mine tailings at toxic waste ng minahan nito noong Marso 24, 1996.

Tinatayang may 2.5 milyon toneladang mine tailings at toxic wastes mula sa Marcopper ang umagos patungo sa Boac River, Calancan Bay at kalapit na mga ilog na pawang mapanganib hindi lamang sa mga hayop, isda kundi maging sa tao at tinatayang sa pag-aaral na aabot sa 20-25 taon para sa rehabilitasyon nito.

Nangako din ang nasabing opisyal ng Placer Dome na maglalaan sila ng kabuuang $60 milyon pondo para sa tuluyang paglilinis at rehabilitasyon hanggang sa muling "mabuhay" ang namatay na ilog.

Biglang umalis ng bansa ang mga matataas na opisyal ng Placer Dome nitong Disyembre at dinagsa ng reklamo ang tanggapan ni Sen. Jaworski mula sa mga residente at lokal na opisyal hinggil sa hindi pagtupad ng naturang kumpanya na linisin at buhayin ang Boac River. (Ulat ni Rudy Andal)

BOAC RIVER

CALANCAN BAY

DISYEMBRE

MARCOPPER

MARINDUQUE COPPER MINING CORPORATION

PLACER DOME

PLACER DOME INC

ROBERT JAWORSKI

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with