^

Probinsiya

Onsehan sa droga, pusher itinumba

-
DAET, Camarines Norte – Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang dahilan upang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang isang lalaki ng kanyang dalawang kasamahan sa sindikato sa Brgy. Cobangbang ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Dennis Calleja, may sapat na gulang, samantala, tinutugis ngayon ng pulisya ang mga suspek na sina Epifanio Celino, Jr., 33, ng Purok 3 at isang nagngangalang Abe.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-5 ng hapon habang nag-uusap ang biktima at dalawang nitong kasamang suspek sa naturang lugar.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay kilalang tulak sa kanilang lugar at pinalalagay na may kaugnayan sa droga ang naganap na krimen. (Ulat ni Francis Elevado)

vuukle comment

AYON

BRGY

CAMARINES NORTE

COBANGBANG

DENNIS CALLEJA

EPIFANIO CELINO

FRANCIS ELEVADO

KINILALA

PINANINIWALAANG

PUROK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with