50 tribesmen na nagpintura ng katawan, hinimatay
January 29, 2002 | 12:00am
BACOLOD CITY Umaabot sa limampu sa 368 tribesmen mula sa Tribu Aragon na nakilahok sa Dinagsa Festival sa Cadiz City noong linggo ang iniulat na hinimatay makaraang makalanghap ng toxic substances na ipinintura sa kanilang katawan upang lalong maging katulad ng sinaunang Aetas.
Sinabi ni Dr. Romeo Agraviador ng Cadiz City health office na ang itim na pintura ay hinaluan ng thinner kaya nag-amoy muriatic acid ang pinaniniwalaang naging dahilan upang himatayin ang 50 katao dakong alas-7:30 ng umaga.
Lumalabas sa ulat na nagsimulang nagpintura ng kanilang katawan dakong alas-5 ng madaling araw ang 368 miyembro ng tribo mula sa Sitio Hiyang-Hiyang sa Brgy. Celestino Villacin upang lumahok sa street dancing competition kasama ang may 16 tribo pa.
Ayon naman kay barangay captain Rebecca Argawanon na katulad din ng pintura ang kanilang ginamit sa katawan ngunit wala namang nangyari sa kanila.
Kasalukuyan namang ginagamot ang mga biktima na karamihan ay may edad na 12-anyos sa St. Anne Hospital, Cadiz City Health Clinic at Dr. Jose Locsin Provincial Hospital sa Silay City. (Ulat ni Antonieta Lopez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest