2 miyembro ng Pentagon todas sa engkuwentro
January 27, 2002 | 12:00am
POLOMOLOK, South Cotabato Dalawang miyembro ng Pentagon kidnap-for-ransom group ang napatay ng magkasanib na puwersa ng Task Force Sanglahi Pentagon at ng Polomolok police office kahapon sa Brgy. Polo dito.
Sa ulat ni Polomolok police chief, Chief/Insp.Rex Anongos kay Sr. Supt. Bartolome Baluyot,kinilala ang mga nasawi na si Ustadz Ugod Sex Hamsa at isang di pa nakikilalang kasamahan nito.
Ayon kay Baluyot, si Hamsa ang Intelligence at Operation Officer ng Pentagon KFRG sa ilalim ng pamumuno ni MILF Commander Tahir Alonto.
Nasabat ng mga awtoridad ang grupo habang ang mga ito ay naglilibot sa looban ng DoleKalsangi,Brgy. Polo at nagpaplano ng susunod na bibiktimahin.
Nagkaroon ng 5-minutong engkuwentro sa pagitan ng mga awtoridad at kidnappers bandang alas-5 ng umaga kahapon.
Pinaniniwalaan naman na si Chris Hubbard, isang mataas na executive ng Dole Philippines, ang nakatakdang dukutin ng grupo makaraang marekober ang isang sketch plan sa mga nasawi.
Narekober mula sa mga nasawi ang dalawang caliber .38 revolver at 12 empty shells nito, isang di-rehistradong Yamaha DT na motorsiklo.
Kasalukuyang isinasagawa ang hot pursuit operation laban sa mga tumakas na kidnappers. (Ulat ni Boyet Jubelag)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended