Kinilala ni Supt. Rafael Aguilar, chief ng operation and intelligence unit ng Laguna Provincial Police Office 4, ang mga suspek na sina dating Sinilion Mayor Leo Rillesa at ang bodyguard na si Mauricio Villanueva, 19 na kapwa residente ng nasabing lugar.
Nakumpiska ng mga awtoridad sa kuwarto ng bahay ni Rillesa na ngayon ay guro sa Eastern Laguna Colleges sa Paete ang labinlimang lata ng pinatuyong dahon ng marijuana, ilang pirasong shabu at mga paraphernalias.
Ang pagsalakay ay isinagawa ng mga awtoridad dakong alas-12 ng tanghali sa bisa ng isang search warrant na inisyu ni MTC Judge Nicolas Padol ng Sinilion.
Nabatid na bago ang pagsalakay sa bahay ng dating mayor ay unang naaresto ang umanoy tauhan nito na si Genero Aco, dating sundalo na courier ng mga marijuana at nakumpiska dito ang pitong kilo ng marijuana. (Ulat ni Ed Amoroso)