Kinidnap na engineer nasagip
January 24, 2002 | 12:00am
Matagumpay na nailigtas ng tropa ng militar ang kinidnap na mayamang engineer ng isang British construction company sa isinagawang operasyon sa bayan ng Ganassi, Lanao del Sur kahapon ng umaga.
Sa isang phone interview, sinabi ni Major Johnny Macanas, Spokesman ng 4th infantry Division (ID) ng Philippine Army na ligtas na nabawi ang biktimang si Engineer Jimmy Macusi.
The released of Engineer Macusi was actually the combination of negotiation and pressure of the government troops applied to the group of the kidnappers, pahayag ni Macanas sa PSN.
Kasabay nito, nilinaw ni Macanas na lumilitaw na dismayadong mga trabahador ng Salam Bridge na nasa ilalim ng pangangasiwa ni Macusi na hindi nito nabayaran ng suweldo ang responsable sa kidnapping at walang kinalaman ang Pentagon na kabilang sa naunang pinaghinalaan sa insidente.
Ayon sa opisyal, si Macusi ay nailigtas ng mga tauhan ng Armys 4th Infantry Division dakong alas-6 ng umaga sa Brgy. Gadungan, Ganassi, Lanao del Sur matapos abandonahin ng mga kidnappers.
Nabatid na nagsagawa ng negosasyon sa grupo ng mga kidnappers ang mga lokal na opisyal sa lalawigan sa pamumuno ni Mayor Anwar Datumuloh sa bayan ng Pagayawan.
Si Macusi ay engineer/contractor ng Salam Bridge Project sa Brgy. Binidayan sa Pagayawan at tumatayong consultant ng Mabey and Johnson Company, isang British construction company. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 20 hours ago
By Cristina Timbang | 20 hours ago
By Tony Sandoval | 20 hours ago
Recommended