^

Probinsiya

3 Timbog sa baril at droga

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang responsable sa pagpapakalat ng droga ang iniulat na nadakip ng mga tauhan ni PNP Regional Director P/Chief Supt. Domingo Reyes sa isinagawang pagsalakay sa Brgy. Mangsee, Balabac, Palawan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang talong suspek na sina Hadji Hainol, 32; Hadji Malutoc at Amin Ula na pawang mga naninirahan sa naturang lugar.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni RTC Judge Nelia Yap Fernandez ng Branch 70 sa Puerto Princesa City, sinalakay ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Alejo Acosta at 412th Provincial Mobile Group ang safehouse ng mga suspek dakong ala-1:20 ng hapon at nakumpiskahan ng tatlong baril at hindi nabatid na bilang ng gramo ng shabu. (Ed Amoroso)
5 katao grabe sa salpok ng dyip
CANAMAN, Camarines Sur –Lima katao ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang salpukin ang sinasakyang dalawang motorsiklo at tricycle ng isang owner-type jeep sa kahabaan ng national highway na sakop ng Brgy. San Agustin sa bayang ito kahapon.

Ang mga biktima na ngayon ay nasa Bicol Medical Center ay nakilalang sina Rommel Santos, 54 ng Brgy. Tigbao, Canaman; Ronnie Capolones, 43 ng San Pantaleon, Magarao; Emmanuel Plaza, 38; Nieves De Villa, 50 at Rommel Braquillo, 7 na pawang mga residente ng naturang lugar.

Naganap ang aksidente dakong alas-8:30 ng umaga makaraang salpukin ng jeep (DPW-142) ang sasakyan ng mga biktima habang magkakasunod na bumabagtas sa kahabaan ng nabanggit na highway. (Ed Casulla)
2 karnaper nasakote
SAN FERNANDO CITY, La Union – Dalawa sa tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato ng carnapping ang nahulog sa bitag ng mga awtoridad makaraang makumpiskahan ng nakaw na motorsiklo sa Brgy. Baccuit, Bauang ng naturang lugar.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Alex Villanueva at Roberto Fernandez na kapwa residente ng naturang lugar, samantala, ang kasamahan ng dalawa na si Roberto Jun Galbelo ay kasalukuyang tinutugis ng follow-up team ng pulisya.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Benjamin Lusad, hepe ng pulisya sa Bauang, nakumpiska sa mga suspek ang nakaw na motorsiklo na itinago sa loob ng compound ng Camp John Hay sa Poro Port kamakalawa. (Myds Supnad)
3 tinusok sa pagtatalo sa EDSA 2, kritikal
JAEN, Nueva Ecija – Tatlong kalalakihan ang kumpirmadong malubhang nasugatan makaraang pagsasaksakin ng kanilang kasamang senglot makaraang magtalo sa isyu ng EDSA 2 habang nag-iinuman ng alak sa Brgy. Putlod ng bayang ito kamakalawa.

Ang mga biktima na ngayon ay nasa Gonzales General Hospital ay nakilalang sina Rufino Cruz, 26; Walter Dela Peña, 26 at Alex Cruz, 20 na pawang mga residente ng naturang lugar, samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Virgilio De Belen na kapitbahay ng mga biktima.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang apat na magkakapitbahay habang nag-iinuman ng alak tungkol sa kasasapitan ng EDSA 2 at dahil sa ayaw patalo ng suspek ay nagawa nitong pagsasaksakin ang mga biktima. (Christian Ryan Sta. Ana)

ALEJO ACOSTA

ALEX CRUZ

ALEX VILLANUEVA

AMIN ULA

BAUANG

BENJAMIN LUSAD

BRGY

CHIEF INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with