Noong 1999, umabot ng 3.5 milyon ang bumisita at 6.7 milyon naman ang naitala noong 2000.
Ayon kay SBMA Chairman Felicito Payumo, ang pagdagsa ng "foreign at domestic guests" sa freeport ay sanhi ng pagpasok ng bagong pasilidad sa turismo na dagdag pa sa natural subic attraction, visitor friendly gate at mga bagong nature discoveries dito.
Kabilang sa inaayos ngayon sa freeport para sa karagdagang atraksiyon sa mga turista ay ang Forest Adventure Park, isang Zoobic Safari, pagsasaayos ng Ilanin Resort sa Camayan Point, Hidden beach,Grande Island, tramway commercial recreation, high rope courses, forest canopy, cable slide at airsoft/paint ball war games.
Matatapos na rin sa Marso ang isang tennis center na kabilang sa pinaplanong convention/trade exhibit and sports center.
Sa yearend report ng freeport ay nakalikha ng may 20,000 bagong trabaho; $US 1.08-B export value; P3.6 B koleksiyon sa buwis sa importasyon; P 747.7-M mula sa 5% tax on gross income. (Ulat ni Jeff Tombado)