P2.6-M natangay ng mga holdaper sa bank manager
January 18, 2002 | 12:00am
CAMP MIGUEL MALVAR, Batangas City Pinaniniwalaang inside job ang naganap na panghoholdap ng hindi kilalang armadong kalalakihan sa isang manager ng banko na may dalang halagang P2.6 milyon sakay ng kanyang kotse sa kahabaan ng Laurel, Batangas, kamakalawa ng hapon.
Ang hinoldap na manager ng Jose P. Laurel Rural Bank, Inc. ay nakilalang si Alberto Corona, 51 ng St. Joseph Subd., Darasa, Tanauan, Batangas, samantala, ang driver naman ni Corona ay nakilalang si Ojay Castillo.
Sa ulat na isinumite kay Batangas Provincial Director P/Supt. Rolando Lorenzo na kasalukuyang minamaneho ni Castillo ang Toyota Revo (WPW-976) habang sakay naman si Corona patungong Equitable PCIBank sa Tanauan branch upang ideposito ang nakolektang malaking halaga mula sa pinapasukang Jose P. Laurel Rural Bank.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, biglang humarang ang kulay itim na Mitsubishi lancer na walang plaka kaya napahinto naman ang sinasakyang kotse nina Corona at Castillo.
Kaagad bumaba at tinutukan ng baril ng mga holdaper ang dalawa saka kinuha ang naturang halaga bago sila pinosasan at isinakay sa likurang bahagi ng kanilang kotse.
Nabatid pa sa ulat ng pulisya, ibinaba ang dalawa sa outpost ng military police ng Phil. Army sa Fort Bonifacio, Makati City, samantalang narekober naman ng mga operatiba ng Southern Police District Office (SPDO) ang kotse ng mga biktima sa kahabaan ng C-5 ng naturang lungsod. (Ulat ninaArnell Ozaeta at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended