^

Probinsiya

Bombay kinidnap na pinatay pa

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Pinaniniwalaang hindi nakapagbayad ng hinihinging "ransom money" ang mga pamilya ng dinukot na 19-anyos na Indian national kaya napilitang patayin na lamang ito sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo ng grupo ng Kidnap-for-Ransom Gang (KFR) at itinapon ang bangkay nito sa isang creek sa Brgy. Tienzo, San Jose City, Nueva Ecija, kamakalawa.

Sa isinumiteng ulat ng Nueva Ecija Provincial Police Office (NEPPO) sa tanggapan ni Police Regional Office 3 (PRO3) Director P/Chief Supt. Reynaldo Berroya, kinilala ang kidnap victim na si Gurdiph Sukhal, ng Cadhit St. Brgy. Sanchez, San Jose City.

Matapos na dukutin ang biktima noong Enero 9, 2002 ng mga miyembro ng Kidnap-for-Ransom Gang sa Brgy. Sto. Rosario, Sto. Domingo, Nueva Ecija ay natagpuan ni Brgy. Kagawad Arthur Tiqui ang bangkay ng biktima sa isang creek sa nasabing lugar na may isang tama ng bala ng baril sa ulo.

Nabatid pa sa ulat ng Nueva Ecija-PNP, makaraang dukutin ang biktima ay nakatanggap ng sunud-sunod na tawag sa telepono ang mga magulang nito mula sa mga kidnappers at humihingi ng halagang P3-M kapalit ng paglaya ng kanilang anak.

Subalit makalipas ang ilang araw ay nabigong makapagbigay ng nabanggit na halaga ang mga magulang kaya napilitang patayin na lamang ang biktima. (Ulat nina Christian Ryan Sta. Ana at Jeff Tombado)

vuukle comment

BRGY

CADHIT ST. BRGY

CHIEF SUPT

CHRISTIAN RYAN STA

DIRECTOR P

GURDIPH SUKHAL

JEFF TOMBADO

NUEVA ECIJA

RANSOM GANG

SAN JOSE CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with