Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Leandro Mendoza ang mga nadakip na suspek na sina Elmer Villacorte, 27, lider ng grupo at tauhan nitong si Orland Garcia, 32, security guard, pawang residente ng Bocaue, Bulacan.
Ang mga suspek ay nasakote ng magkakasanib na elemento ng Bulacan Provincial Police Office (BPPO), Office of Business Concern-Criminal Investigation and Detection Group (OBC-CIDG) ng Police Regional Office (PRO) 3 sa ilalim ng superbisyon ni P/Supt. Edgardo Acuña sa isinagawang operasyon mula Enero 9 hanggang kamakalawa.
Sina Villacorte at Garcia ay itinuturong responsable sa kidnap-for-ransom sa mga biktimang sina Roy Tan San Pedro, 31, negosyante at sa dentistang si Dr. Elmer Avenida, 38; pawang residente ng Sta. Maria, Bulacan.
Ang mga biktima na kinidnap noong gabi ng Disyembre 15 sa Quezon City at pinatay matapos na hindi makapagbayad ng ransom at itinapon sa isang bakanteng lote sa Malibong Matanda, Pandi, Bulacan. (Ulat ni Joy Cantos)