Hindi na umabot pa ng buhay sa Jane County Hospital ang hinostage na batang lalaki na nakilala lamang sa alyas na Meliton, samantala, kinilala ang nang-hostage na si Jerson Trinidad, 25, binata ng Purok Sta. Teresa, Brgy. Dalahican, Lucena City.
Sa ulat na isinumite kay Quezon PNP Provincial Director P/Supt. Roberto Rosales, naganap ang pangyayari dakong alas-12:15 ng tanghali makaraang magsuplong sa mga awtoridad ang ina ni Jerson na si Nita Rosenilla Trinidad, 59 na ibig siyang patayin ng kanyang anak na baliw ngunit nang-hostage ng bata at tumagal ng may dalawang oras ang negosasyon bago naganap ang pangyayari. (Ulat ni Tony Sandoval)