2 anak ng OFWs nailigtas sa kidnappers
January 10, 2002 | 12:00am
Nailigtas ng pinagsanib na mga elemento ng militar at pulisya ang dalawang anak ng isang Overseas Filipino Workers (OFW) na kinidnap ng mga armadong kalalakihan sa isinagawang operasyon sa Sevilla, Bohol kamakalawa.
Kinilala ang nasagip na biktima na sina Ruth Adante, 14 at kapatid nitong si John Reydor, 12; pawang estudyante ng Bohol Wisdom School sa Tagbilaran City, Bohol.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, bandang alas-8:40 ng gabi nang maisalba ng mga operatiba ng 6th Special Forces Battalion (SFB) ng Philippine Army at PNP-Bohol Crisis Management Committee Task Group ang magkapatid sa Brgy. Cambague sa bayan ng Sevilla.
Napilitan umano ang mga kidnappers na abandonahin ang mga biktima matapos na matunugan ang presensiya ng puwersa ng pamahalaan.
Ayon sa ulat, pinostehan ng mga awtoridad ang lugar na pinag-usapang pay-off na halagang P50,000 ang ibibigay ng ina ng mga biktima bilang inisyal na demand sa kabuuang P1.5M na hinihingi ng mga kidnappers.
Tinangka pa ng mga awtoridad na habulin ang mga kidnappers pero nabigo ang mga itong maabutan na naghiwa-hiwalay ng direksiyon sa pagtakas.
Magugunitang dinukot ang mga biktima kasama ang kanilang ina bandang alas-11:45 ng umaga nitong Lunes habang patungo sa isang restaurant sa Tagbilaran City.
Gayunman, pinakawalan ng mga kidnapper ang ina ng mga bata para magprodyus ng P1.5M ransom kapalit ng kalayaan ng kanyang dalawang anak. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended