^

Probinsiya

Chinese trader kinidnap

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang negosyanteng Intsik ang kumpirmadong kinidnap ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang nagmamaneho ng kanyang scooter mula sa pag-aari ng warehouse sa Hillside Subdivision sa Brgy. San Roque, Rosario, Batangas noong Lunes ng gabi.

Si Chan Lin Loy, 37, alyas Joseph Chan na nagmamay-ari ng SJC General Merchandize ay pinaniniwalaang dinukot dakong alas-7:45 ng gabi may ilang minuto matapos na lumabas ng nabanggit na warehouse.

Napag-alaman pa sa ulat na natagpuan ng mga tauhan ng biktima ang ginamit na scooter na umaandar pa ang makina sa gilid ng kalsada malapit sa kanilang warehouse.

Sinabi ni Edgardo Gonzales, isa mga tauhan ng biktima na ang pagkakatagpo sa scooter ay naging ugat upang hanapin ang kanilang amo.

Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay nakatanggap ng tawag sa telepono ang asawa ng biktimang si Jovi na maghanda ng malaking halaga ng pera upang ipamalit sa paglaya ng kanyang mister.

Naniniwala si Jovi na ang ginamit ng mga kidnapper upang makatawag ay cellphone ng kanyang asawa.

Binalaan naman ng biktima ang asawa na ilihim ang pangyayari sa mga awtoridad upang hindi malagay sa panganib ang kanyang buhay. (Ulat ni Rene Alviar)

BATANGAS

BINALAAN

EDGARDO GONZALES

GENERAL MERCHANDIZE

HILLSIDE SUBDIVISION

JOSEPH CHAN

JOVI

RENE ALVIAR

SAN ROQUE

SI CHAN LIN LOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with