10 NPA, 1 CAFGU todas sa labanan
January 10, 2002 | 12:00am
UMINGAN, Pangasinan Aabot sa sampung miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) at isang tauhan ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang iniulat na napatay sa pakikipagsagupaan sa tropa ng militar at tauhan ng pulisya sa Brgy. Masiil-siil sa bayang ito noong Martes ng gabi.
Kasalukuyan pang inaalam ng militar ang mga pangalan ng napatay na nakumpiskahan ng limang SIM cards ng cellular phone, M16 armalite rifle, hindi nabatid na bilang ng bala ng baril at subersibong dokumento na pinaniniwalaang dalawa sa sampung napatay ay mataas na opisyal ng rebelde.
Samantala, ang napatay na CAFGU ay kinilalang si Ronald Pariñas ng Brgy. Annam, Umingan ng nabanggit na lugar.
Nasugatan naman sa bakbakan sina Corporal Melencio Gayla na tinamaan ng bala ng baril sa braso at Pfc. Remegio Fulgencio na tinamaan naman sa hita at likod.
Nabatid sa ulat ni Col. William Campos, 71st IB Commander na nakabase sa San Jose City, Nueva Ecija, naganap ang sagupaan dakong alas-6:30 ng gabi na tumagal ng apat na oras ang bakbakan saka nagsiatras ang mga rebelde patungong Lupao, Nueva Ecija at ang iba naman ay sa bulubundukin ng Barangay Biket, Umingan.
Ayon kay Campos, nag-ugat ang sagupaan makaraang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad mula sa mga residente ng nabanggit na lugar na nangangalap ng revolutionary tax ang mga rebelde.
Kaagad na nagsagawa ng masusing operasyon ang pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya laban sa mga NPA rebels. (Ulat ni Eva De Leon)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest