Estudyanteng informer nilikida ng NPA

OAS, Albay – Isang estudyanteng lalaki na pinaniniwalaang asset ng pulisya at militar ang tinambangan at napatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA)habang naglalakad papauwi sa Brgy. Badbad sa bayang ito kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Rizalde Ricamura, 18 na matagal nang hinihikayat ng mga rebelde na sumapi sa kanilang kilusan subalit patuloy na tumatanggi.

Base sa impormasyong nakalap ng pulisya, natunugan ng mga rebelde na naging informer ng mga awtoridad ang biktima kaya minabuti na lamang na patahimikin. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments