Sikyu dedo sa paglalaro ng baril
January 2, 2002 | 12:00am
DAET, Camarines Norte Isang security guard ng Superwatch Security Agency ang iniulat na hindi na umabot pa ng Bagong Taon dahil sa hindi sinasadyang nabaril ang kanyang sarili kamakalawa ng gabi sa Barangay Pamotangon ng bayang ito.
Idineklarang patay sa Hernandez Memorial Hospital si Elmer Quibral, 36, may asawa ng Purok 5 ng nabanggit na barangay.
Sa ulat na isinumite kay P/Chief Insp., Virgilio Dumaplas, hepe ng pulisya sa bayang ito, ang biktima kasama ang asawang si Gina at iba pang kaibigan ay magkakasamang nag-iinuman at hinihintay ang pagsapit ng Bagong Taon dakong alas-10:30 ng gabi subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang itinutok ng biktima ang hawak na baril sa dibdib na naging sanhi upang pumutok ito. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am