Dinukot na CAFGU nakatakas sa MILF
January 1, 2002 | 12:00am
Masuwerteng natakasan ng isang miyembro ng CAFGU ang mga kidnappers nitong mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa isang liblib na lugar sa Mamasapano, Maguindanao kamakalawa.
Kinilala ang nakatakas na si CAFGU Mama Makakua na walang humpay na katatakbo ang ginawa hanggang sa maligtasan ang humahabol sa kanyang mga kidnappers.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, sinamantala ni Makakua ang pagkakataon matapos na makalingat ang mga bantay na mga armadong tauhan ng mga rebeldeng MILF matapos siyang itago sa magubat na bulubunduking lugar sa nasabing bayan.
Napag-alaman na ang biktima ay binihag ng sampung armadong MILF rebels na mga tauhan ni Commander Abdul Wahid Kalil ng 206th Brigade ng Dangsa Islamic Armed Forces (BIAF) bandang alas-12:00 ng hatinggabi sa bahay nito sa Brgy. Nabuntas, Mamasapano.
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay ipinadukot ni Commander Kalil dahil sa aktibo nitong partisipasyon sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga rebeldeng Muslim partikular na sa Central Mindanao na siyang balwarte ng grupo ng MILF rebels.
Nang mabatid na natakasan sila ng kanilang bihag ay tinangkang habulin ng mga rebeldeng MILF si Makakua pero nakapagtago ito sa kagubatan hanggang sa makarating sa kapatagan at makabalik na muli sa kanyang pamilya. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended