^

Probinsiya

Jeep inararo ng tren: 6 patay; 18 sugatan

-
NABUA, Camarines Sur – Anim na katao ang nasawi habang labinwalo naman ang nasugatan matapos na araruhin ng tren ang isang pampasaherong jeep na kinalululanan ng mga biktima sa intersection sa Brgy. Paoyan kamakalawa ng gabi sa nasabing bayan.

Namatay noon din sina Andres Baldoza, 45; Tiburcio Espalmado,10; Vanesa Espalmaldo, 15; Crisanta Baldoza, 30 pawang residente ng Brgy. La Purisima, bayan ng Nabua. Samantala, namatay habang dinadala sa pagamutan si Michelle Mendeville,15 at isang hindi pa nakikilalang lalaki na ang edad ay nasa pagitan ng 20 hanggang 35.

Ang mga nasugatan ay nakilalang sina Jo Marie Macaraig, Marvin Cordero, Susan Corteso, Maria Baldoza, Rose Ann Baldoza, Joseph Magistrado, Medel Compitente, Annie Oraye, Jomar Macaraig, Judy Ann Baldoza, Melvin Oxiato, Sonny Espalmado,Vivian Espalmado, John Jay Espalmado, Mark Rit, Edgar Brigada, Jevelo Macaraig Jr. at ang driver ng jeep na si Jevelo Macaraig Sr.

Sa inisyal na ulat ng Nabua PNP, dakong alas-7:10 ng gabi ay mabilis umanong inovertake ng matandang Macaraig ang kanyang jeep (UBN-773) na patungong Guinobatan ang isang bus.

Dahil sa madilim ang intersection ay hindi napansin ni Macaraig ang parating na tren na minamaneho ni Ricardo Pascia mula Legaspi City na patungong Maynila.

Dahil sa mabilis din ang takbo ng tren hindi nito kayang ipreno ni Pascia kaya’t nasalpok nito ang jeep.

Ayon sa pulisya, matagal na umanong inirereklamo ng mga motorista ang nasabing intersection dahil sa wala itong harang na nagbabala kung may dumarating na tren, kaya naman dumidiretso na lang ang bawat sasakyan.

Ang driver ng tren ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide. (Ulat nina Ed Casulla at Danilo Garcia)

vuukle comment

ANDRES BALDOZA

ANNIE ORAYE

BRGY

CAMARINES SUR

CRISANTA BALDOZA

DAHIL

DANILO GARCIA

ED CASULLA

EDGAR BRIGADA

JEVELO MACARAIG JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with