^

Probinsiya

Cellphone snatcher kinuyog ng taumbayan

-
BACOOR, Cavite – Halos mamatay sa bugbog ng taumbayan ang isang cellphone snatcher nang ito ay maabutan matapos na hablutin ang cellphone ng isang ginang kahapon ng umaga sa Brgy. Maliksi ng bayang ito.

Ang suspek na bugbog sarado ay nakilalang si Reynaldo Cepeda, 29, may-asawa, at residente ng nasabing barangay.

Sa salaysay ng biktimang si Rea Alporque, 20, may-asawa, ng Saint Michael Subdivision, Brgy.Talaba na dakong alas-7 ng umaga siya ay nag-aabang ng masasakyan nang maisipan nitong tawagan ang kaibigan sa telephone booth dahil sa wala umanong load ang kanyang cellphone.

Nang ilapag nito ang kanyang bag at cellphone sa booth ay bigla na lamang dumukwang ang suspek at kinuha ang kanyang cellphone.

Nagsisigaw na humingi ng tulong sa mga tao ang biktima na kung saan ito ay hinabol hanggang sa maabutan.

Nang maabutan ay halos natikman ng suspek ang suntok at tadyak ng mga nagsihabol.

Nahinto lang ang pambubugbog nang dumating ang pulis at inawat ang mga ito. (Ulat ni Mading Sarmiento)

BRGY

CAVITE

MADING SARMIENTO

MALIKSI

NAGSISIGAW

NAHINTO

NANG

REA ALPORQUE

REYNALDO CEPEDA

SAINT MICHAEL SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with