^

Probinsiya

Paslit nahulog sa balon, nalunod

-
DAET, Camarines Norte – Halos mabaliw ang isang ina na sa kanyang pag-uwi mula sa pagtatrabaho ay nadatnan niyang isa ng malamig na bangkay ang kanyang anak matapos na ito ay mahulog sa isang balon malapit sa kanilang bahay sa Happy Homes Subdivision, Brgy. Pamorangon, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Emmanuel Era, 2 ng nasabing lugar na natagpuang nakalutang sa balon matapos na ito umano ay mahulog at malunod.

Batay sa salaysay ng lola ng biktima na si Rosario, na bandang alas-6 ng gabi ay naiwang nag-iisa sa loob ng bahay ang biktima ng pansamantalang lumabas ng bahay ang ama habang ang ina naman nito ay nasa trabaho.

Nang bumalik ang ama sa bahay ay laking pagtataka nito kung bakit wala ang anak. Tinawag niya ang anak subalit hindi sumasagot.

Ganoon na lamang ang kaba nito at hinalughog ang buong kabahayan subalit hindi pa rin nito makita ang anak.

Isang sandali pa ay narinig nito ang sigaw mula sa kanyang kapitbahay na ang kanyang anak ay natagpuang nakalutang sa balon.

Wala ng buhay ng kunin ng ama ang kanyang anak sa balon. (Ulat ni Francis Elevado)

ANAK

BATAY

BRGY

CAMARINES NORTE

EMMANUEL ERA

FRANCIS ELEVADO

GANOON

HAPPY HOMES SUBDIVISION

ISANG

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with