^

Probinsiya

NPA commander at iba pa sinampahan ng kasong pagpatay

-
TACLOBAN CITY, Samar – Nagsampa ng kasong pagpatay at pagnanakaw ang San Jose de Buan PNP laban sa isang New People’s Army commander at sa mga kasamahang responsable sa pagpatay sa dalawang sibilyan sa ginawang pagsalakay sa isang police station noong Nobyembre 16.

Sinampahan ng kaso ni C/Supt. Nardito Yoro, PNP regional director ang NPA commander na si Carlito Salingsing alias Terado at ang 50 miyembro nito.

Ayon kay Yoro, dalawang magkahiwa lay na kasong murder at robbery ang kanilang isinampa kay MTC Judge Salvador Jakosalim laban sa mga rebelde.

Magugunita na sinalakay ng mga rebelde ang police station ng nasabing bayan na kung saan ay limang pulis ang dinisarmahan ng mga ito.

Ang dalawang sibilyan na sina Cecelio Obinguar, dating miyembro ng Sangguniang Bayan at dating sundalo na si Alex Padello na nagkataong nandoon ay pinagbabaril ng mga ito. (Ulat ni Miriam Garcia Desacada)

ALEX PADELLO

AYON

CARLITO SALINGSING

CECELIO OBINGUAR

JUDGE SALVADOR JAKOSALIM

MIRIAM GARCIA DESACADA

NARDITO YORO

NEW PEOPLE

SAN JOSE

SANGGUNIANG BAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with