^

Probinsiya

Kalaguyo ni misis, pinatay ni mister sa loob ng kuwarto

-
CANLUBANG, Laguna – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang mister ang kalaguyo ng kanyang misis habang ito ay mahimbing na natutulog sa loob ng kanilang kuwarto noong araw ng Kapaskuhan sa Kapayapaan Ville, Barangay Canlubang.

Ang biktimang dead-on-the-spot ay si Raymundo Espidido, ng Blk. 14 Lot 1, Canlubang, Laguna dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Boluntaryong sumuko sa pulisya ang suspek na si Isagani Legaspi matapos ang ilang oras ng pagtatago at isinuko rin ang patalim na ginamit sa krimen.

Sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang krimen dakong alas-6 ng umaga sa Blk.14, Lot 8, Area 1, Kapayapaan Ville.

Nabatid na ang suspek kasama ang kanyang panganay na si Hazel ay kagagaling lamang sa isa nilang bahay sa Daang Bakal, Hagdang Bato Itaas, Mandaluyong City.

Inabutan ng mag-amang Legaspi sa loob ng kanilang kuwarto ang suspek na kalaguyo umano ng misis nitong si Mandariza na natutulog.

Dahil dito, nagdilim ang pag-iisip ng suspek na kung saan binunot ang dalang patalim at walang sabi-sabing inundayan ng mga saksak ang natutulog na biktima.

Napag-alaman na madalas na mag-away ang mag-asawang Legaspi dahil sa umano’y kumakalat na balita sa kanilang lugar na ang kanyang misis ay may kinalolokohang lalaki. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

BARANGAY CANLUBANG

BOLUNTARYONG

DAANG BAKAL

ED AMOROSO

HAGDANG BATO ITAAS

ISAGANI LEGASPI

KAPAYAPAAN VILLE

LEGASPI

MANDALUYONG CITY

RAYMUNDO ESPIDIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with