P2-M kontrabando nasabat sa SBMA
December 24, 2001 | 12:00am
OLONGAPO CITY Umaabot sa halagang P2 milyon kontrabando na tinangkang ipuslit ang iniulat na nasabat ng mga ahente ng Custom Narcotics Interdiction Office Enforcement and Security Services (CNIO-ESS) na nakalulan sa isang container van palabas ng Subic Bay Freeport noong Miyerkules ng gabi.
Tinangkang ipuslit ang mga kontrabandong lulan ng truck (CSA-752) na minamaneho ni Orlando Saludes ng Maynila at si Gerry Ong, general manager ng Subic Motor World dakong alas-7:45 ng gabi sa Kalaklan gate nang sitahin ng mga security guard ng SBMA.
Sinabi ni Lt. Isidro Estrera, hepe ng CNIO-ESS na walang maipakitang mga dokumento ang dalawa kaya pansamantalang pinigil.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang may 384 assorted imported tires, 10 unit ng big bike motorcycles, 2 scooters, 1 freezer, 1 refrigirator, 1 mixer machine at ibat ibang motor spare parts. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest