^

Probinsiya

Dalagita ni rape / slay ng adik

-
CAWAYAN, Masbate – Matapos ang karumal-dumal na krimen na naganap sa Tabaco City noong nakaraang Dec. 19 na isang 8-anyos na batang babae ang ginahasa saka pinatay ng isang hindi kilalang adik sa droga ay isa na namang 13-anyos na dalagita ang ni-rape at tinodas ng adik sa Brgy. Begia ng bayang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jonalyn Mancao, 1st year high school sa Cawayan National High School ng nabanggit na barangay.

Sa isinumiteng ulat kay P/Insp. Silvino Precones, hepe ng pulisya ng Cawayan PNP station, natagpuan ang biktima bandang alas-7 ng umaga sa madamong lugar may 500 metro ang layo mula sa pinapasukang eskuwelahan.

Nabatid pa na huling nakitang buhay ang biktima na dumalo ng kanilang Christmas party kamakalawa ng gabi at hindi na nakauwi pa ng buhay.

Dahil sa pangambang may masamang nangyari ay minabuti ng mga magulang na huminggi ng tulong sa mga opisyal ng barangay upang hanapin ang biktima bago nadiskubre ang bangkay na duguang tadtad ng saksak sa katawan. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BEGIA

BRGY

CAWAYAN

CAWAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

DAHIL

ED CASULLA

JONALYN MANCAO

KINILALA

SILVINO PRECONES

TABACO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with