^

Probinsiya

4 miyembro ng Pentagon

-
COTABATO CITY – Apat na miyembro ng Pentagon kidnap gang na pinaniniwalaang nakapagbenta na ng umaabot sa 30 kinarnap na sasakyan sa Metro Manila sa loob ng anim na buwan ang nalambat ng tropa ng militar kamakalawa sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ni P/ Sr. Supt. Omar Ali, police imformation of the Autonomous Region in Muslim Mindanao ang mga suspek na sina Jerry Romano; magkapatid na Cesar at Ronnel Bergonia, tumatayong salesmen ng mga kinarnap na sasakyan na dinala sa Maguindanao ng mga sindikato mula sa Maynila.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong sasakyan na kasalukuyang bineberipika kung kinarnap at handang ipagbili sa Cotabato City at Maguindanao, pahayag pa ni Ali.

Ang tatlong Pentagon kidnap gang na pawang wanted sa mga kasong kidnapping at drug trafficking ay hindi na nakapalag pa matapos na matunugang napapalibutan na ng tropa ng militar ang kanilang pinagkukutaan sa Brgy. Rebuken, Sultan Kudarat noong Miyerkules ng madaling-araw.

Kasama rin ang mga ahente ng Presidential Anti-Kidnapping Task Force sa isinagawang operasyon laban sa nabanggit na grupo. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION

COTABATO CITY

JERRY ROMANO

JOHN UNSON

MAGUINDANAO

METRO MANILA

MUSLIM MINDANAO

OMAR ALI

PRESIDENTIAL ANTI-KIDNAPPING TASK FORCE

RONNEL BERGONIA

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with