Railway system sa Mindanao posible na
December 17, 2001 | 12:00am
Inihayag ni Transportation and Communications Secretary Pantaleon Alvarez na magkakatotoo ang binabalak na proyektong paglalagay ng railway system sa buong Mindanao matapos na isang Malaysian consortium ang nagpahayag ng interes ng pagtatayo nito.
Sinabi ng kalihim na kasalukuyan nang nakikipagnegosasyon ang pamahalaan sa naturang Malaysian consortium matapos namang magsitalikuran ang Australian at Spanish consortia na natakot matapos ang Sipadan hostage crisis at giyera laban sa Abu Sayyaf.
Nagkaroon ng kumpiyansa ang Malaysia matapos na magwagi sa tahimik na eleksyon ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) si Dr. Parouk Hussin bilang gobernador nito na sinuportahan ng Organization of Islamic Conference.
Ang naturang proyekto ay may habang 1,436 kilometro na magkukunekta sa mga lungsod at bayan ng Cotabato, Cagayan de Oro, Koronadal at hanggang sa General Santos City.
Sasagutin naman ng naturang consortium ang gastos sa pagtatayo ng proyekto sa ilalim ng Build-Lease-Transfer scheme at inaprubahan na ni Pangulong Arroyo at ng Department of Public Works and Highways (DPWH). (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest