Indian national pinatay muna bago sinunog
December 15, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, LAGUNA Isang Indian national ang nasawi matapos na sunugin sa loob ng kanyang inuupahang apartment sa Barangay Mataas, Boac, Marinduque, kamakalawa.
Ang biktima ay nakilalang si Sukhwinder Singh Puriwal, alyas Manny, 30, may-asawa at nakatira sa nabanggit na lugar.
Sa isinagawang pagsusuri ni Dr. Arlene Labatete, lumalabas na si Singh ay may saksak sa leeg at kanang balikat bago sinunog sa loob ng kanyang apartment upang itago ang karumal-dumal na krimen.
Ayon sa report ng pulisya, alas-11 ng gabi nang magkaroon ng sunog sa tinitirhang apartment ng biktima sa nasabing lugar at pagkatapos dito natagpuan ang bangkay ng biktima.
Nabatid sa pulisya na bago nangyari ang krimen, nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang kanyang asawa kaya minabuti ng biktima na matulog na lamang sa loob ng kanyang kuarto at ilang sandali lamang ay nagliyab na ang kanilang bahay sanhi ng pagsabog ng LPG. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 13 hours ago
By Cristina Timbang | 13 hours ago
By Tony Sandoval | 13 hours ago
Recommended