^

Probinsiya

Nanalong mayor at mga kapartido pinawalang bisa ng Comelec

-
GLAN,Saranggani – Pinawalang bisa ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkapanalo ni Mayor Enrique Yap Jr. at ang walo nitong konsehal noong nakalipas na halalan noong Mayo 14.

Sa isang en banc resolution, pinawalang bisa rin ng Comelec ang proklamasyon ni Vice Mayor Venancio Mata Jr. at walong konsehal na sina Gildo Villorente Sr.,Ting Musa, Benedicto Ruiz, Ananias Emnace, Vauebar Alegado, Amelito Arnold Cariño, Saturnino Bag Sr. at Federico Tangan Jr. na pawang nasa partido ng Lakas-NUCD.

Ipinalabas ng Comelec ang kautusan matapos dinggin ang petisyon ni dating Mayor Flora Lapaz Benzonan ng National People’s Coalition.

Nakasaad sa petisyon ni Benzonan na may ginawa umanong iregularidad ang Glan municipal board of canvassers sa pangunguna umano ni local election officer Alim.

Nag-walked out at hindi na umano nagsibalikan ang mga miyembro ng board of canvassers sa kalagitnaan ng canvassing matapos ang isang tensyon sa dalawang magkalabang partido.

Hindi pa umano natatapos ang bilangan ay dagliang iprinoklama ni provincial election officer Atty. Michael Abas ang mga nanalong kandidato. (Ulat ni Boyet Jubelag)

AMELITO ARNOLD CARI

ANANIAS EMNACE

BENEDICTO RUIZ

BOYET JUBELAG

COMELEC

FEDERICO TANGAN JR.

GILDO VILLORENTE SR.

MAYOR ENRIQUE YAP JR.

MAYOR FLORA LAPAZ BENZONAN

MICHAEL ABAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with