Dead-on-the-spot ang biktimang si Capt. Eufronio Villaluz, miyembro ng 70th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ang pananambang ay naganap bandang alas-4 ng hapon isang araw matapos na masangkot ang grupo ng mga rebelde sa panununog ng isang bus ng Philtranco sa Catmon, Cebu City noong nakaraang Martes.
Kinondena naman ni Army Spokesman Col. Mabanta ang naganap na pagpatay ng mga rebeldeng NPA sa biktima na patunay lamang umano na hindi sinsero ang CPP-NPA-NDF sa deklarasyon ng ceasefire.
Sinabi ni Mabanta na ang biktima ay nagmula sa headquarters ng 7th IB at itoy pauwi na sakay ng Mitsubishi Lancer (PFC-591) sa kahabaan ng Quezon Street, Aurora nang tambangan ng tinatayang labinlimang armadong rebelde sa pamumuno ng isang kinilalang Ka Delfin Pimentel na aktibong nag-ooperate sa lalawigan.
Magugunita na nagdeklara ng ceasefire ang CPP-NPA-NDF na itinakda mula Disyembre 15 na tatagal hanggang Enero 15 ng susunod na taon na umanoy ipatutupad lamang nila kung mauuna ang pamahalaan. Bilang tugon ay nagdeklara rin ang gobyerno ng ceasefire mula Disyembre 10 hanggang Enero 6. (Ulat ni Joy Cantos)