^

Probinsiya

Pampasaherong bus sinunog ng NPA rebels

-
Isang araw matapos na tugunin ng pamahalaan ang inisyatibong ceasefire ng CPP-NDF, umatake ang armed wing nitong mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos na sunugin ang isang pampasaherong bus sa hangganan ng Brgy. Binungcalan at Panalipan sa bayan ng Catmon, Cebu, kahapon.

Ayon kay Philippine Army spokesman Col. Jose Mabanta, tinatayang may 15 armadong rebelde ang humarang sa isang Philtranco bus na patungong Maynila sa nasabing lugar bandang alas-10:45 ng umaga.

Tinutukan umano ng baril ng mga rebelde ang bus at saka binuhusan ng gasolina habang ang iba naman sa kanilang mga kasamahan ay nagsilbing look-out.

Tuluy-tuloy na nagliyab ang bus hanggang sa tuluyan itong matupok ng apoy na sinamantala naman ng mga rebelde sa kanilang pagtakas na namataang tumahak patungo sa direksyon ng kagubatan.

Bunga nito, ipinag-utos na ng AFP Viscom sa Task Group Cebu sa ilalim ng pamumuno ni Col. Edmund Malabangut ang malawakang manhunt operations laban sa mga rebeldeng responsable sa insidente.

Pinaniniwalaan namang ang panununog ay may kinalaman sa mariing pagtanggi ng may-ari ng Philtranco bus na magbayad ng revolutionary tax sa grupo ng mga rebeldeng komunista na aktibong nag-ooperate sa nasabing lugar.

Kinondena naman ni Mabanta ang karahasan ng mga rebeldeng komunista. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

BINUNGCALAN

EDMUND MALABANGUT

JOSE MABANTA

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

PHILTRANCO

TASK GROUP CEBU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with