Asset ng pulis at militar itinumba ng NPA

PALANAS, Masbate – Dahil sa pinaghinalaang nagbibigay ng impormasyon sa pulisya at militar tungkol sa operasyon ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) isang magsasaka ang niratrat hanggang sa mapatay sa Sitio Gaway-Gaway, Brgy. San Carlos ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Si Dianito Abejuela, alyas Dianing, 44 ng Brgy. Banco ay iginapos ang dalawang kamay saka pinaluhod at binistay ng bala ng armas ng mga rebelde dahil sa pag-aakalang asset ng pulis at militar.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang biktima ay namataan ng mga rebelde bandang alas-5 ng hapon na naglalakad bago harangin at dukutin. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments