Pampasabog ng mga NPA nadiskubre

KAMPO MELCHOR DELA CRUZ, Gamu, Isabela — Tinatayang aabot sa animnapu’t anim na bala ng mortar at kalahating sako ng bala ng M-16 at M-14 na itinago ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nadiskubreng nakabaon sa ilalim ng lupa ng tropa ng 41th Infantry Battalion ng Phil. Army sa Brgy. Calauagan Dakkel, Gattaran, Cagayan kamakalawa.

Dahil sa impormasyong ibinigay ng dating kasapi ng NPA rebels ay nahukay ang mga pampasabog na pinalalagay ni Brig. Gen. Rodolfo Alvarado ng Phil. Army na gagamitin ng mga rebelde sa paghahasik ng karahasan sa nabanggit na lugar. (Ulat ni Joe Dasig Jr.)

Show comments