^

Probinsiya

Isang pamilya minasaker ng NPA

-
CAMP OLIVAS, Pampanga — Isang dating miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na nagbalik-loob sa gobyerno at dalawang anak pa nito ang walang awang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng kanilang dating mga kasamahan matapos na pasukin ang kanilang bahay sa Brgy. Timmaguab, Sta. Ignacia, Tarlac, kamakalawa ng gabi.

Sa isinumiteng ulat ng Tarlac Provincial Police Office (TPPO) sa tanggapan ni Police Regional Office 3 (PRO3) Director Chief Supt. Reynaldo Berroya, ang mag-aamang biktima ay kinilalang sina Dominador Santos, 49, Melchor, 28, alyas "Ka Rosa" na dati ring rebel returnee at Falcon Santos, 21, pawang mga residente ng Fernando Farm, ng nabanggit na lugar.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang pamamaslang sa mga biktima pasado alas-7 ng gabi nang pasukin ng apat na kalalakihan na pawang nakasuot ng bonnet at camouflage ang bahay ng mga biktima sa Fernando farm na pag-aari ng isang Atty. Jerry Fernando.

Nabatid na hinahanap umano ng mga killer si Melchor na noon ay nasa loob ng kanilang kuwarto kasama ang maybahay nitong si Criselyn Facun, 18, alyas "Ka Leny" na dati ring rebel returnee at ang kanilang dalawang-buwan taong gulang na anak. Nang lumabas sa kuwarto ang kanilang pakay ay bigla na lamang pinagbabaril sa ulo at katawan si Melchor. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

CRISELYN FACUN

DIRECTOR CHIEF SUPT

DOMINADOR SANTOS

FALCON SANTOS

FERNANDO FARM

JEFF TOMBADO

JERRY FERNANDO

KA LENY

KA ROSA

MELCHOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with