Sekyu todas sa agaw-armas

CANDELARIA, Quezon –Isang security guard ang iniulat na inagawan ng baril saka pinaputukan at napatay ng isang hindi kilalang miyembro ng agaw-armas gang habang ang biktima ay nakatayo sa binabantayang supermarket sa Brgy. Poblacion sa bayang ito kamakalawa ang gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Juan dela Cruz, 49, biyudo ng brgy. Malabanban Norte.

Nabatid sa inisyal na pagsisiyasat na isinumite kay P/Chief Insp. Nelson Lequin, hepe ng pulisya sa bayang ito, naganap ang krimen bandang alas-12:55 ng gabi. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments